Mga Pahina

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46

Lunes, Disyembre 26, 2011

Iglesia ni Cristo sa Nigeria inatake ng bandidong Muslim sa araw ng Pasko

Isang karumal-dumal na pag-atake ang isinagawa ng mga bandidong Muslim sa bansang Nigera (Aftica) noong mismong araw ng Pasko ng Pagkasilang ni Hesus.

Ilang mga kalalakihan habang tinitingnan nila ang sasakyang ginamit ng mga bandidong Muslim sa pagsabog sa St. Theresa Catholic Church sa labas ng Nigerian capital ng Abuja noong araw ng Kapaskuhan. (Photo Source: Agence France-Presse/Getty Images)
Ayon sa mga ulat, ang pagpapasabog ay nangyari noong hatinggabi kung saan ang mga kaanib ng Iglesia ay nagsasagawa ng Banal na Misa sa isang Katedral sa siudad ng Jos.  Pinasabog ang isang sasakyang ginamit bilang "Suicide Bomb" sa nasabing simbahan ng banal na Iglesia.  Sa di kalayuan ang may mga alingawngaw ng mga putok ng baril na maririnig.  Pinapaniwalaan ng mga otoridad na ang nasabing Islamic Suicide Bombing ay isang "well coordinated" na gawaing pagpatay.

Ang naganap na pagpatay sa mga kaanib ng Iglesia sa Nigera ay kinondena ng mga lider ng buong mundo sa pangunguna ng Santo Papang si Benito XVI.

Ang Foreign Minister ng Britanya na si Secretary Willaim Hague ay nagsabing: "These are cowardly attacks on families gathered in peace and prayer to celebrate a day which symbolizes harmony and goodwill towards others."

Ang unang pag-atake ay naganap sa St. Theresa Catholic Church in Madalla, ganap na ika-8 ng umaga na agarang ikinamatay ng may 35 na katao at 52 na lubhang nasugatan. Sumunod ang simbahan sa Jos.

Sa kabuuan, 39 na katao ang namatay noong araw ng Pasko.

Ang mga umaako ng pagpapasabog ay mga Islamic terrorists na kilala sa pangalang "Boko Haram". Ipanalangin natin ang mga kaluluwa ng mga nasawi at ang mga pamilya ng mga nasugatan sa pangangalaga ng ating Dios.  Kay Santa Mariang ina ng Awa, ipanalangin natin sila sa Panginoon.  Sa mga bandidong mga Muslim na walang paggalang sa kabanalan ng buhay, atin silang ipagsanggalang sa Panginoon ng Awa.

Ituloy ang pagbabasa rito sa Online.Wsj.com

Walang komento: