Mga Pahina

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46

Linggo, Nobyembre 20, 2011

Mabuhay si Cristo Hari ng Iglesia!

Ngayong araw ng Linggo ipinagdiriwang ng Banal na Iglesia ni Cristo ang Kapistahan ng Kristong Hari. Ang kapistahang ito ang hudyat ng huling linggo ng buong taon ng Liturhiya ng Santa Iglesia.

Bagamat ipinagdiriwang din ito ng mga Protestante, ito ay ginawang institusyon ng lingkod ng Dios na si Papa Pius XI noong taong 1925 A.D. sa kaniyang encyclical na pinamagatang Quas Primas.

Kung sa pangkaraniwang Kalendaryo, ito ang huling linggot ng taon at sa susunod ng Linggo ay Unang Linggo ng Adbiento-- ang Adbiento ay Apat na Linggong paghahanda bago ang dakilang araw ng Pasko ng Pagsilang niHesus.

Ano ang iminumungkahi ng Araw ng Kapistahan ng Kristong Hari?

Ayon sa Liturgical Calendar ng Iglesia ni Cristo, ang lahat ng pagdiriwang at kapistahang ating ginanap sa buong isang taon ay si Cristo Hesus lamang ang tugatog at rurok nito. Si Cristo ang tanging dahilan ng ating mga pagdiriwang sapagkat siya lamang ang pinagmumulan ng kabanalan ng mga santo at santa ng Iglesia. Nais lamang ipagbunyi ng Santa Iglesia na sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, tayo'y nagpapasakop sa paghahari ng Dios na si Cristo. Tayo ay nagpapasakop sa kanyang kabanalan at kabutihan. Tayo'y nagpapasakop sa kanyang kabunyian.

Lingid sa kaalaman ng mga hindi sumasampalataya sa mga paniniwala ng Iglesia ni Cristo, ang mga pagdiriwang ng mga kaanib nito sa mga kapistahan ng kanilang mga Patron ay si Cristo pa rin ang tanging dahilan. Ang mga banal at santo ng Iglesia ay nagbuwis ng buhay hindi para sa kanilang sariling kapakanan kundi si Cristo Hesus ang dahilan na totoong Dios at Tao ang Iglesia, at ng kaniyang nag-iisa, banal, pangkalahatan at apostolikang Iglesia.

Narito ang ating mga Pagbasa sa Banal na Biblia:


Unang Pagbasa: Ez 34:11-12, 15-17


Pangalawang Pagbasa: 1 Cor 15:20-26, 28

Ebanghelyo: Mt 25:31-46
Ito rin ang mga pagbasa sa lahat ng mga Iglesia ni Cristo sa buong mundo ano man ang wika at tradisyong kanilang kinaaaniban.

Mabuhay si Cristo Hesus, hari ng Iglesia ni Cristo!

Walang komento: