Ayon sa Asia News, libu-libong mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Hanoi, Vietnam ang nagprotesta sa lansangan. Hiling nila ang hustisya sa Parokya ng Thai Ha at sa kalapit na Monasteryo ng mga Redemptorist Missionaries na balak baklasin upang mabigyang-daan ang isang proyekto ng gobyerno. Ang nasabing projekto ay naglalayong hukayin upang malagyan ng sewage treatment mula sa kalapit ding ospital.
Kung inyong natatandaan ang sigalot na ito ay nagmula pa noong taong 2008 at 2009 nang hatulan ng korte ang mga walo sa mga nagprotesta ng pagkabilanggo sa salang "Panggugulo" raw sa mapayapang pamumuhay ng mga tao roon.
Unang-una sa mga pinatawag ng korte ng nasabing bansang Komunista ay si Fr. Joseph Nguyen va Phuong. Pinatawag siya hindi upang ipagtanggol ang kaniyang parokya ngunit upang ipaalam sa kaniya ang desisyon ng korte.
Maliban kay Fr. Joseph, maraming mga Katoliko ang matapang na humarap sa mga pulis upang ipakita sa buong mundo na ang mga kaanib ng Iglesia ay handang maging martir alang-alang sa kanilang pananampalatayang Kristiano.
Ang Iglesia ni Cristo sa Vietnam ang isa sa mga Iglesia sa mga Komunistang bansa ang may pinakamaraming "human violations". Marami sa mga kaanib ng Santa Iglesia ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang pananampalatayang Katoliko laban sa mapanupil na adhikain ng Komunista. Ngunit ang bansang Tsina pa rin ang may pinakamalubha sa lahat ng mga bansang Komunista laban sa Iglesia ni Cristo. Ituloy ang pagbabasa rito...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento