Photo Source: Globalpost.com) |
Havana, Cuba - Nagdesisyon ang gobyerno ng Cuba na pakawalan ang may 2,900 na bilanggo. Ito ay ang naging pahayag ni Raul Castro, ang Pangulo ng Cuba bago pa man ang pagdalaw ng Santo Papang si Benito XVI.
Ang banal na Santo Papa ay nagpasyang dadalaw sa Cuba sa sunod na Spring sa taong 2012. Karamihan sa mga pakakawalan na mga bilanggo ay mga matatanda, mga kababaihan at mga may karamdaman.
Ipagdasal natin sa Dios na sa pagdalaw ng Santo Papa sa Cuba ay mas dadaloy ang biyaya sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan dahil sa ang Cuba ay isang bansang Komunista.
Ang Iglesia ni Cristo sa Cuba ay buong galak na naghahanda na sa pagdalaw ng Kahalili ni San Pedro, si Papa Benito XVI.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento