Lumipat na po ang blog na ito sa IGLESIA NI CRISTO 33 A.D..
Maraming salamat po at pagpalain kayo ng Panginoong Dios!
"Binabati kayo (Iglesia sa Roma) ng lahat ng mga iglesia ni Cristo." -Roma 16:16
Mga Pahina
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46
Biyernes, Mayo 25, 2012
Lunes, Abril 2, 2012
Linggo ng Palaspas: Halina't ipagdiwang ang Mahal na Araw
Linggo ng Palaspas, ipinagdiriwang ng laht ng mga Iglesia ni Cristo sa buong mundo ang matagumpay na pagpasok ni Hesu-Kristo sa banal na lungsod ng Jerusalem. (Mt. 21:10)
Halina't tayo'y maghubad ng ating mga kasalanan at ilaan ang sarili sa kanyang awa at pagpapala.
Nawa'y ang buong kaanib ng Santa Iglesia ay gabayan ng Banal na Espiritu Santo tungo sa matagumpay na pagdiriwang ng Mahal na Araw at ng Pasko ng Muling Pagkabuhay!
Pagpalain tayo ng Dios!
Sabado, Marso 24, 2012
Magalak ka Mexico at Cuba darating ang kahalili ni San Pedro
MEXICO - Bukas araw ng Biernes sa Mexico, darating ang Kanyang Kabanalan Papa Benito XVI sa Mexico pagkatapos ay tutungo naman siya sa Cuba.
Sa kasalukuyan ang bansang Mexico ay may 108,426,000 na bilang ng tao kung saan may 99,635,000 (91.89 percent) ay mga kaanib ng pangkalahatang Iglesia ni Cristo. Ang Cuba naman ay may 11,242,000, kung saan 6,766,000 (60.19 percent) ay mga kaanib ng Katolikong Iglesia ni Cristo (basahin ang kabuuan ng balita rito).
Bilang paghahanda, ang Mayor ng Leon, Mexico na si Ricardo Sheffield, mayor of Leon ay tumanggap ng pahayagang "exclusive" para i-cover ang buong panahong pagbisita ng Santo Papa.
Mayor ng Leon, Mexico na si Ricardo Sheffield. (Larawan galing sa CNA) |
Ang mga mamamayan nito ay handang-handa na at humihingi ng panalanging magiging matagumpay ang kanyang pagbisita.
Sa Cuba naman, bilang paghahanda, pinakawalan ng gobyerno ang may 2,900 na bilanggo buwan bago pa lamang ang pagdalaw ng Santo Papa. Ayon sa Sunday Catholic, malaking tulong ang pagdalaw ng Santo Papa sa mga political prisoners. Ang respetong binibigay ng gobyerno ng Cuba sa Iglesia ay napakalaki't kaya hindi nila mahindian ang panawagan ng Santo Papa na bigyan ng hustisya ang mga nakakulong na mga bilanggo.
Ang bansang Cuba ay isa sa mga natitirang mga bansang Komunista.
Ipagdasal natin na maging matagumpay ang pagbisita ng kahalili ni San Pedro sa lupa-- si Papa Benito XVI.
Mga etiketa:
Iglesia sa America,
Papal Trip
Lunes, Marso 19, 2012
Nakikidalamhati ang buong Iglesia ni Cristo sa pagkamatay ni Pope Shenouda III
Kamakailan po ay namatay po ang lider ng Coptic Church ng Egypt. Si Pope Shenouda III ay namayapa na po at ang buong sambayanang Kristiano sa pangunguna ni Papa Benito XVI ay nakikidalamhati sa lahat mga Coptic Christians sa bansang Egypt.
Nawa'y makitaan siya ng Panginoon ng habag at makapiling ang Panginoon habang-panahon. Amen.
Sumalangit nawa ang kaluluwa ng butihing Pope Shenouda III |
Huwebes, Marso 15, 2012
Maronite Patriarch ng Iglesia ni Cristo sa Lebanon dumalaw sa Qatar
Patriarch Beshara al-Rahi (Source: DailyStar Lebanon) |
Bumisita kahapon ang kanyang kabunyian Maronite Patriarch Patriarch Beshara al-Rahi sa Estado ng Qatar, isang Muslim na bansa.
Sa kanyang pakikipagpulong sa pinakamataas na pinuno ng Qatar na si Emir Sheikh Hamad bin Khalifa al-Thani, nagpasalamat ang butihin Patriarka sa Estado ng Qatar dahil sa kanilang puspusang pagtatangkilik sa kapayapaan sa buong Gulf State.
Nakipagpulong din ang butihin Patiyarka kay Prime Minister at Foreign Minister Sheikh Hamad bin Jassim al-Thani.
“There are almost 70,000 Lebanese in Doha, and we thank the state of Qatar for welcoming them and allowing them to live in dignity,” sa kanyang homilya sa Misa na ginanap sa Church of Our Lady of Rosary sa Doha, Qatar.
Ang butihing Patriarka ay nauna nang nakipagpulong kay Haring Abdullah ng Jordan noong nakaraang araw ng Linggo. Pinuri niya ang dakilang hari sa kanyang pagtatalaga ng kapayapaan sa kanyang kaharian. Isa si Haring Abdullah sa mga hinahangahang hari sa buong Middle East.
Martes, Marso 13, 2012
Annuario Pontificio 2011: Dumami pa ang kaanib ng Iglesia ni Cristo
Dumarami pa po ang umaanib sa tunay na Iglesia ni Cristo ayon sa isinumiteng Catholic Annual Book kay Papa Benito XVI. Ang kabuuang bilang ng mga kaanib ngayon ay 1.196 Bilyon-- 17.5% ng kabuuang populasyon ng buong mundo.
Narito ang balita hango sa News.va
VATICAN CITY - News.va: Pope Benedict XVI on Saturday was presented the 2012 Annuario Pontificio, which is the annual yearbook of the Catholic Church.The presentation was made by the Secretary of State, Cardinal Tarcisio Bertone, and the Substitute for General Affairs to the Secretary of State, Archbishop Angelo Becciu.They were accompanied by Monsignor Vittorio Formenti, director of the Central Office of Church Statistics, Professor Enrico Nenna and other collaborators.The men also presented the Annuarium Statisticum Ecclesiae to the Pope, who expressed his gratitude to all of those who worked on the two books.The editions give a snapshot of the Church in 2011. For example, in the last year, the Pope erected eight Episcopal Sees, one Personal Ordinariate, and one Military Ordinariate.The statistical data is from the year 2010.It shows just under 1.196 billion Catholics in the world, compared to 1.181 billion in 2009. The Catholic proportion of the world population has stayed fairly stable, at 17.5%.From 2009 to 2010, the number of bishops in the world increased from 5,065 to 5,104.The growth trend in the number of priests, which began in 2000, continued in 2010. There are now 412,236 priests (277,009 diocesan, 135,227 religious), an increase of 1,643.The number of permanent deacons increased from 38,155 to 39,564, with over 97% of them in North America and Europe.Globally, the number of professed religious from 2009 to 2010 rose from 729,371 to 721,935.The number of students of philosophy and theology in diocesan and religious seminaries has steadily increased (4%) over the last five years. There were 114,439 seminarians in 2005 and 118,990 in 2010.
Narito naman ang Istatistika mula sa CIA
Linggo, Marso 11, 2012
Bagong Kaanib ng Iglesia ni Cristo nag-umpisang mag-blog
The Holy Eucharist |
Dahil sa kanyang matinding kagalakan, ibinabahagi niya sa atin ngayon ang dahilan kung bakit siya'y umanib sa tunay na Iglesia ni Cristo:
Why I Converted – Part 7: The Beautiful Collision
By Dave
This is part 7 of a 10 part series of posts I will be writing to kick off this blog. A lot of people ask me why I converted to Catholicism and I’ve never been able to give anyone a full answer due to the sheer depth of it. This is my attempt to lay it all out there. To answer the question of my conversion, I will be leaning heavily on the work of Father Robert Barron and the structure of his PBS series entitled “Catholicism.” I do this because 1) he articulates the faith way better than I will ever be able – I will only offer my feeble take on his brilliant presentation; and 2) it is precisely his teachings that articulate what I knew to be true in my heart when I made the jump almost three years ago. So now, part 7: The Beautiful Collision.
A few months ago, as I was preparing to plan a talk for the youth group I have the pleasure of mentoring, I came across a video (which you can see at the bottom of this post) titled “Holy Mass – A Beautiful Collision.” Besides providing the namesake for this blog, this video moved me in a profound way. Filled with images of the Blessed Sacrament of the Body and Blood of Christ, as well as thought-provoking quotes from some of the giants of our faith, all set to David Crowder singing “A Beautiful Collision,” this video speaks powerfully of the collision of heaven and earth that takes place during the Holy Mass. In the chorus, we hear Crowder’s unique voice singing these words:
“Here it comes, a beautiful collision is happening now.
There seems no end to where You begin
And there I am now, You and I collide.”
THAT is what takes place at a Catholic Mass. Does it only happen at a Catholic Mass? No, of course not, but we believe it happens every time we enter a church to celebrate the Liturgy. We believe that the Mass, particularly the Eucharist, is the place where heaven and earth crash into each other in the most tangible way. It might do me well to say clearly here that there is no other reason for me converting to Catholicism that is as important as the Mass. Its mystery drew me in, its complexity led me to explore its depths, and its beauty has filled my heart with a love that cannot be contained. It is, as they say, the source and summit of my faith... ituloy ang pagbabasa rito...
Biyernes, Marso 2, 2012
Buong Iglesia nakikiisa sa mga Kristiano sa Holy Land
Larawan mula sa Fr. David Blog |
Vatican City - Ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo ay nakikiisa sa mga layunin ng mga Kristiano sa Jerusalem, Israel, Palestine at mga karatig-bansa ayon kay Cardinal Leonardo Sandri, Prefect of the Congregation of the Oriental Churches.
Ayon sa kanyang liham, sinabi ng butihing cardinal na ang pag-ibig ng Dios ay dapat na maipadamang muli sa Holy Land kung saan ang Dios ay nagkatawang-Tao at nakipamuhay sa atin (Juan 1) at gumawa ng maraming kababalaghan at gumawa ng kabutihan, at nagpakasakit sa Banal na Bansa upang ialay ang Kanyang Sarili sa marami.
Ang nasabing liham ay may lagda rin ni Archbishop Cyril Vasil, SJ, Secretary of the Congregation na maibatid sa buong Iglesia Katolika sa pamamagitan ng kanilang mga obispo ang tungkol sa kahalagahan ng Holy Land sa buhay ng bawat mananampalatayang Kristiano.
Ayon sa nasabing liham (sa Ingles):
"This year, Good Friday seems more fitting than ever as a sign of the needs of both pastors and faithful, which are bound up with the sufferings of the entire Middle East. For the disciples of Christ, hostility is often the daily bread which nourishes the faith and sometimes makes the echo of martyrdom. Christian emigration is exacerbated by the lack of peace, which tends to impoverish hope, changing it into the fear of facing alone a future that seems to exist only in the abandonment of one’s own country.
"Nonetheless, as was the case for the Gospel’s grain of wheat, so the trials of Christians in the Holy Land prepare without doubt a brighter tomorrow. The dawning of this new day, however, requires support now for schools, medical assistance, critical housing, meeting places, and everything else that the generosity of the Church has devised".
"We have the duty to restore the spiritual patrimony which we have received from these Christians’ two millennia of fidelity to the truth of the faith. We can and must do this by our prayer, by concrete assistance, and by pilgrimages. The Year of Faith, which marks the fiftieth anniversary of Vatican Council II, will provide particular motivation for us to direct our steps towards that Land. ... Next Good Friday, around the Cross of Christ, let us be conscious of being together with these brothers and sisters of ours. May the loneliness that is at times strongly felt in their situation be overcome by our fraternity".
Ituloy ang pagbabasa rito...
Huwebes, Marso 1, 2012
Marso: Panalangin para sa mga kababaihan at mga Kristianong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya
Makakabili ng aklat RITO |
Inaalala rin natin sa buwang ito ang lahat ng mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya partikular ang mga Kristianong namumuhay sa pangkalahatang Asia lalong lalo na sa Gitnang Silangan kung saan ang mga Kristianong Arabe ay patuloy na nakakatanggap ng 'Second Class Status" mula sa lipunan ng Islam.
Sila ang mga Kristianong patuloy na namumuhay at sumasaksi sa pag-ibig ng Dios. Idalangin din natin lahat ang mga taong naging instrumento ng kanilang pag-uusig. Na sa pamamagitan ng ating mga panalangin ay maibsan nila ang takot bagkos manahan sa kanila ang banal na Espiritu upang bigyan sila ng lakas at tatag na ipahayag ang kanilang pananampalataya sa kabila ng panganib mula sa mga mapanupil na lipunan o kultura.
Miyerkules, Pebrero 29, 2012
John Paul II Foundation namahagi ng 2M dolyar sa Sahel Africa
Logo ng John Paul II Foundation |
Kamakailan ang Iglesia ni Cristo ay namahagi ng 2 milyong dolyar sa mga bansang nakasakop sa Kanluran at Gitnang pate ng kontinente ng Africa. Ang nasabing tulong ay nagmula sa John Paul II Foundation na pinamumunuan ni Monsignor Giampietro Dal Toso, Secretary of the Pontifical Council Cor Unum.
Layunin ng nasabing tulong na pag-ibayuhin ang pamumuhay ng mga nasalanta ng matinding tag-tuyot at pahirap na dala ng Political Crisis lalong lalo na ang mga mamamayang naghihirap dulot ng sigalot na dala ng mga Islamist.
Ang Edukasyon ang pangunahing layunin ng nasabing tulong.
Ninanais ng John Paul II Foundation na sa pamamagitan ng pagiging ilaw at gabay ng Iglesia ni Cristo sa Africa ang lahat ng sektor ng pamumuhay ng tao ay naaayon sa hustisya (justice), kapayapaan (peace) at pag-ibig (love).
Umaasa ang buong Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng pamumuno ng Santo Papa Benito na ang hidwaan na naghahari ngayon sa nasabing lugar ay mapayapang masolusyunan lalong lalo na ang pakikiabot ng Iglesia sa relihiyong Islam upang manumbalik ang kapayapaan at respeto sa pananampalataya ng bawat isa.
Idalangin din natin na sa pamamagitan ng Santa Iglesia ang kalayaan na dulot ng pag-ibig ni Cristo ay lalong manahan sa bawat puso ng mga tao sa Africa.
Martes, Pebrero 28, 2012
Linggo, Pebrero 26, 2012
Huwebes, Pebrero 23, 2012
Ang pagbabalik-loob ni Shannon Kurtz, dating Protestante
Narito ang isa sa napakaraming mga salaysay ng mga nagbabalik-loob sa Iglesia ni Cristo. Purihin at pasalamatan natin si Cristo Hesus na siyang tumawag sa kanyang mga tupa at nakinig. Mula sa Coming Home Network.
Shannon Kurtz My return to the Catholic Church after twenty years away as an Evangelical Protestant was my heart’s response to Jesus, as He drew me back into full communion with His Church and complete union with Him in the Holy Eucharist.
I was baptized Shannon Mary Kelly, oldest of six children of an Irish-Catholic family in Bay City, Michigan. I made my First Confession and First Communion when I was eight years old. I remember how very close to Jesus I felt as I received Holy Communion for the first time.I attended Catholic grade school. My grade school years were happy ones. The entire school attended daily Mass and the Stations of the Cross during Lent.My favorite event was the annual May Crowning. Saturday afternoons usually meant going to Confession. In eighth grade, I was secretary/treasurer of our school’s Legion of Mary chapter... Ituloy ang pagbabasa rito...
Miyerkules, Pebrero 22, 2012
Miercoles de Cenisa, Umpisa ng Panahon ng Kuwaresma
Ang panahon ng Kuwaresma ay nag-uumpisa sa araw ng Mierkoles de Cenisa (Ash Wednesday). Nilalagyan ng ating mga pari o mga ministro ang ating mga noo ng kurus mula sa abo at pinapaalalahanan tayong lahat na "TAYO'Y ALABOK AT SA ALABOK TAYO'Y BABALIK". At kung minsan sinasabi ng pari o ministro ang "TALIKDAN NA ANG KASALANAN AT SUMUNOD SA EBANGHELYO."
Ang Pangkalahatang Iglesia ni Cristo ang siyang nagtatakda ng Araw ng Kuwaresma ayon sa Liturhiya ng Simbahan. Maliban sa Santa Iglesia Katolika, ang iba pang mga iglesia Protestante ay nakikiisa sa paggunita nitong mga Mahal na Araw.
Halina't tayo'y magtika, mag-ayuno at gumawa ng mabuti hindi lang sa panahon ng Kuwaresma ngunit sa lahat ng panahong tayo'y nabubuhay. Magpasalamat tayo at tayo'y hinirang na maging kabahagi ng Katawan ni Cristo- ang Santa Iglesia Katolika na siyang tunay na Iglesiang kay Cristo Hesus.
Maligayang pagdiriwang ng Kuwaresma!
Mga etiketa:
Ash Wednesday,
Kapistahan,
Kuwaresma,
Lent
Lunes, Pebrero 20, 2012
Bagong mga Cardinal ng Iglesia ni Cristo hinirang sa Vatican ng Santo Papa
Hinirang ng Santo Papa Benito XVI ang mga 22 bagong mga Cardinal sa Basilika ng San Pedro sa Vatican City. Ang mga nahirang ay amg mga sumusunod (mula sa News.Va):
Archbishop Edwin Frederick O’Brien - Pro-Grand Master of the Equestrian Order of the Holy Sepulchre of Jerusalem
Archbishop Thomas Christopher Collins of Toronto, Canada;
Archbishop Timothy Michael Dolan of New York, United States of America;
Archbishop of Ernakulam — Angamaly for Syro-Malabars, India;
Bishop John Tong Hon of Hong Kong, People’s Republic of China;
Archbishop Fernando Filoni, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples;
Archbishop Manuel Monteiro de Castro, Major Penitentiary;
Archbishop Santos Abril y Castelló, Archpriest of the Papal Basilica of St Mary Major;
Archbishop Antonio Maria Vegliò, President of the Pontifical Council for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People;
Archbishop Giuseppe Bertello, President of the Pontifical Commission for Vatican City State and President of the Governorate of the same State;
Archbishop Francesco Coccopalmerio, President of the Pontifical Council for Legislative Texts;
Archbishop João Braz de Aviz, Prefect of the Congregation for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life;
Archbishop Domenico Calcagno, President of the Administration of the Patrimony of the Apostolic See;
Archbishop Giuseppe Versaldi, President of the Prefecture for the Economic Affairs of the Holy See;
Archbishop Dominik Duka, O.P., of Prague, Czech Republic;
Archbishop Willem Jacobus Eijk of Utrecht, The Netherlands;
Archbishop Giuseppe Betori of Florence, Italy;
H.B. Lucian Mureşan, Major Archbishop of Făgăraş and Alba Iulia for Romanians, Romania;
Monsignor Julien Ries, Priest of the Diocese of Namur, Belgium, Professor emeritus of history and religion at the Catholic University of Leuven/Louvain;
Fr Prosper Grech, OSA, Lecturer emeritus at various universities in Rome and Consultor to the Congregation for the Doctrine of the Faith;
Fr Karl Becker, SJ, Lecturer emeritus at the Pontifical Gregorian University, Consultor to the Congregation for the Doctrine of the Faith.
Biyernes, Pebrero 10, 2012
Santo Papa bibisita sa Iglesia sa Iran?
Iran President Ahmadinejad at Pope Benedict XVI [Source: Maktoob.Yahoo!(Reuters)] |
VATICAN CITY - Ipinabatid ng ambasador ng Iran sa Vatican ang imbitasyon ni Iranian President Mahmoud Ahmadinejad sa Santo Papa upang bisitahin ang kanilang bansa.
Ani Ali Akbar Naseri sa mga mamamahayag "If the pope decides to come, we will welcome him in an excellent way, and, as far as the government is concerned, we will welcome him with enthusiasm."
Ang imbitasyon ng Iran ay nakabinbin sa Vatican. Sa kasalukuyan si Papa Benito ay hindi pa tinatanggap ang usapin ng pagdalaw.
Matatandaan na ang Santo Papa ay tahasang kumukondena sa Iran sa pagsabing "buburahin" nila ang Israel sa mapa ng mundo.
Nananawagan din ang Santo Papa na resolbahin ang lumalaking sigalot sa pagitan ng Iran at ng iba pang mga bansang kasapi ng UN.
Mga etiketa:
Iglesia sa Iran,
Papal Trip,
Santo Papa
Hiling ng Iglesia sa Syria: "Ipanalangin niyo kami."
DAMASCUS, SYRIA - Nananawagan si Melkite Greek Catholic Patriarch Gregorios III sa lahat ng mga kaanib ng Iglesia ng Dios na mag-alay ng taimtim na panalangin para sa bansang Syria. Ang panawagan ng banal na patriarka uumpisahan sa panahon ng Kuwaresma (Lent) kung saan ang lahat ng mga kaanib ng Santa Iglesiang kay Cristo ay inaasahang mag-ayuno o mangilin lalong lalo na sa araw ng Biyernes. Kasama ng panalangin ang ganitong sakripisyo isang debosyon ng lahat ng mga Katoliko upang ang ating pagtitika ay kasihan nawa ng Panginoong Dios para sa Iglesia sa Syria.
Si Melkite Greek Catholic Patriarch Gregorios III Laham at nasa kanan ay si Armenian Catholic Patriarcha Nerses Bedros XIX Tarmouni (Source: Eastern Rite Filipino Catholics Blog) |
Ang panawagan ng butihin Patriarka Gregorios III ay inilathala sa Ingles noong ika-7 ng buwan ng Pebrero, 2012.
“In the current tragic situation of our Arab countries, especially Syria, we invite our priests and faithful to make this Lenten season a time of prayer and intercession and repentance for peace, solidarity, unity, harmony, dialogue and respect among citizens,” ani Patriarka Gregorios III sa kanyang mensahe para sa panahon ng Kuwaresma.
“Ingatan nawa ng Dios ang mga bansang Arabe, lalung-lalo na ang Syria" panalangin ng lider ng Eastern Catholic. "Nawa'y sa panahon ng Kuwaresma didinggin tayo ng Tagapagligtas tungo sa ligayang dulot ng muling-pagkabuhay at ng buhay."
“That is the call that Jesus Christ addressed to his disciples. It is the same call that I address to the sons and daughters of our Melkite Greek Catholic Church at the beginning of this blessed period of Great Lent that is opening wide its doors to us.”
Ang panahon ng Kuwaresma ay mag-uumpisa sa pagpapahid ng abo sa araw ng Miyerkoles ika-22 ng Pebrero 2012 para sa mga Katoliko sa Latin (Roman) Rite at ang mga Katoliko sa Melkite Rite ay mag-uumpisa ng Kuwaresma sa Linggo, ika-19 ng Pebrero na tinatawag na "Forgiveness Sunday."
Huwebes, Pebrero 9, 2012
Posibleng Pagbisita ng Santo Papa sa Lebanon ngayong Setyembre 2012
Vatican City - Pinag-iisipan pa ng Vatican ang posibleng pagdalaw ng Santo Papa sa Lebanon sa darating na buwan ng Setyembre ayon kay Rev. Federico Lombardi, spokesperson ng Vatican.
Malaki ang pagtatangi ni Papa Benito XVI sa mga paghihirap na nararanasan ng mga Kristiano sa Gitnang Silangan sa kamay ng mga Islamists na pilit na bumabago sa institusyong kanilang ginagalawan.
Ang pag-aanyaya sa Santp Papa ay ginawa ni Prime Minister Najib Mikati noong siya'y dumalaw sa Vatican noong buwan ng Nobyembre 2011.
Ipanalangin natin ang balaking ito ng Santo Papa upang sa kanyang pagdalaw ay maramdaman ng mga kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa Gitnang Silangan ang pagmamahal ng Kahalili ni San Pedro, si Papa Benito XVI.
Huwebes, Pebrero 2, 2012
Bagong Pinuno ng Iglesia ni Cristo ng Byzantine Rite
Archbishop William Skurla (Source: Our Lady of the Sign) |
Pinangalanan ng Santo Papa Benito XVI noong 19 ng Enero si Most Rev. William Skula bilang bagong Arsobispo ng Pangkalahatang Iglesia ni Cristo ng Byzantine Archeparchy ng Pittsburge sa Estados Unidos.
Ang bagoang arsobispo ang iluluklok sa darating na ika-18 ng Abril, 2012 bilang kapalit ng namayapang si Arsobispo Basil Schott na namatay noong Hunyo ng 2010.
Kinabibilangan ng parokya ng San Pedro at Pablo Byzantine Catholic Church sa Erie at ang parokya ng San Cyril at Methodius Byzantium Catholic Church sa Louisiana at Texas.
Ang Iglesia ni Cristo ay may 21 Rites maliban sa Latin Rite na karaniwang nakikita at napapanood natin sa EWTN at iba pang mga Katolikong istasyon ng TV.
Ipagdasal natin ang Iglesia ni Cristo na laganap sa buong mundo upang lalong dumami pa ang tunay na sumasampalataya kay Cristo Hesus na Panginoon natin at Dios patungo sa kaganapan ng lahat ng pangako niyang "kailanman ay hindi mananaig ang kadiliman" sa kanyang tunay na Iglesia (Mt. 16).
Biyernes, Enero 13, 2012
Dagsaang Pag-anib ng mga Anglicans sa Iglesia ni Cristo
Catholic Church Baltimore |
Hindi naman linggid sa kaalaman ng nakakarami na dagsaan pong pag-anib ng mga kaanib sa Anglican Church tungo sa Pangkalahatang Iglesia ni Cristo.
Ang akala ng nakakarami ay ngayong panahon lamang ni Papa Benito XVI ang pag-anib ng mga Anglicans ngunit sa katunayan ay panahon pa ni Beato Juan Pablo II ang pagbabalak ng maraming Anglicans tungo sa Roma.
Ngayon at buo na ang Anglicanorum Coetibus, pormal nang kaanib ng Iglesia ni Cristo ang mga lumipat na mga Anglicans. Kaya't sa kauna-unahang pagkakataon sa Estados Unidos, nagkaroon ng parokya sa Mount Calvary Church sa Baltimore ang mga dating Anglicans na ngayon ay kaanib na ng Iglesia.
Salamat sa malaking pang-unawa ng mahal na Santo Papa sapagkat naging mas lumalim ang kahulugan ng pagiging Kristiano sa Iglesia Katolika.
Biyernes, Enero 6, 2012
Ang Kahalili ni San Pedro ng Iglesia ni Cristo ay dadalaw sa Mexico at Cuba
Katedral ng Iglesia ni Cristo sa Havana, Cuba (Larawan mula sa Reuters.com) |
Pinal at tuloy na po ang balak ng Santo Papa Benito XVI, ang ika-266 Papa ng Iglesia ni Cristo.
Ayon sa napagkasunduan, ang Santo Papa ay nasa Mexico at Cuba bago pa man ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay. Sa nakuhang talaan ng kanyang pagdalaw, si Papa Benito XVI ay nasa Mexico sa ika-23-26 ng Marso, 2012 at tutuloy sa bansang Cuba, isang Komunistang bansa, mula ika 26 ng Marso bago siya tumulak pabalik ng Vatican.
Ipagdasal natin ang kanyang pagdalaw na sana madatnan ng Santo Papa ang Iglesia sa Cuba at Iglesia sa Mexico ng may paghahandang ispiritwal.
Mabuhay po ang Iglesia ni Cristo sa Cuba at Mexico!
Mga etiketa:
Iglesia sa America,
Komunista,
Papal Trip
Pakistan: Mga kaanib ng Iglesia ni Cristo inaalipusta
Ipagdasal natin sila sa Panginoon!
Linggo, Enero 1, 2012
Ika-2012 Taon na po ng Iglesia ni Cristo
Bagong Taon na po!
Alam niyo ba na sa bawat taon, binibilang natin ang taon ng Panginoon - ika 2012 A.D. (Anno Domini). Ito rin ang pagbibilang nating lahat sa edad ng ating pagiging Kristiano. Opo, ang Iglesia ni Cristo 33AD po ang nagtalaga ng bilang na ito.
Sa bawat nakasabit ng kalendaryo sa ating mga dingding o nakapatong sa ating mga mesa ay nagpapaalala sa atin na ang Iglesia ni Cristo ay 2012 taon na po.
Para po sa lahat ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo 33 AD, binabati po namin kayo ng maligayang Pasko at malusog at magpagpalang Bagong Taon po sa ating lahat.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)