Catholic Church Baltimore |
Hindi naman linggid sa kaalaman ng nakakarami na dagsaan pong pag-anib ng mga kaanib sa Anglican Church tungo sa Pangkalahatang Iglesia ni Cristo.
Ang akala ng nakakarami ay ngayong panahon lamang ni Papa Benito XVI ang pag-anib ng mga Anglicans ngunit sa katunayan ay panahon pa ni Beato Juan Pablo II ang pagbabalak ng maraming Anglicans tungo sa Roma.
Ngayon at buo na ang Anglicanorum Coetibus, pormal nang kaanib ng Iglesia ni Cristo ang mga lumipat na mga Anglicans. Kaya't sa kauna-unahang pagkakataon sa Estados Unidos, nagkaroon ng parokya sa Mount Calvary Church sa Baltimore ang mga dating Anglicans na ngayon ay kaanib na ng Iglesia.
Salamat sa malaking pang-unawa ng mahal na Santo Papa sapagkat naging mas lumalim ang kahulugan ng pagiging Kristiano sa Iglesia Katolika.
1 komento:
pagpapala ng Dios ay Sumaiyo.
c.pio
Mag-post ng isang Komento