Mga Pahina

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46

Biyernes, Pebrero 10, 2012

Santo Papa bibisita sa Iglesia sa Iran?

Iran President Ahmadinejad at Pope Benedict XVI [Source: Maktoob.Yahoo!(Reuters)]
VATICAN CITY - Ipinabatid ng ambasador ng Iran sa Vatican ang imbitasyon ni Iranian President Mahmoud Ahmadinejad sa Santo Papa upang bisitahin ang kanilang bansa.

Ani Ali Akbar Naseri sa mga mamamahayag "If the pope decides to come, we will welcome him in an excellent way, and, as far as the government is concerned, we will welcome him with enthusiasm."

Ang imbitasyon ng Iran ay nakabinbin sa Vatican. Sa kasalukuyan si Papa Benito ay hindi pa tinatanggap ang usapin ng pagdalaw.

Matatandaan na ang Santo Papa ay tahasang kumukondena sa Iran sa pagsabing "buburahin" nila ang Israel sa mapa ng mundo.

Nananawagan din ang Santo Papa na resolbahin ang lumalaking sigalot sa pagitan ng Iran at ng iba pang mga bansang kasapi ng UN.

Walang komento: