Mga Pahina

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46

Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

Iglesia sa Tsina: Bagong Obispo inordenahan

Iglesia ni Cristo sa Yibin, China (St. Mary's Church - UCANews)
Nagsasaya at nagpupuri ngayon ang Iglesia ni Cristo sa bansang komunista sa Tsina sa ordinasyon ng bagong Obispong si Father Peter Luo Xuegang. Si Father Peter Luo Xuegang ay magsisilbi sa Diosises ng Yibin sa South-Central China. Mahigit kumulang na 30,000 ang mga Katoliko roon at may 7 silang ma pari. Ang ordinasyon ni Fr. Peter Luo Xuegang ay sinang-ayunan ng Vatican at ng bansang Tsina. Ituloy ang pagbabasa rito...

Linggo, Nobyembre 27, 2011

Tulong ng Iglesia ni Cristo (USA) sa ibang iglesia.

Isang malaking halaga ng salapi ang ibinigay ng Iglesia ni Cristo sa USA sa pamamagitan ng United States Conference of Catholic Bishops ayon sa Catholic Culture. Sa kabuuan nagbigay ng $7 milyon ang Iglesia sa Iglesia sa Latin America, $2.3 milyon sa Iglesia sa Africa noong taong 2011. Ang malaking halaga ng donasyon ay ibinahagi ng USCCB sa Iglesia sa Latin America at sa Caribbean (CELAM). Ang halagang nalikom ay taos pusong ibinahagi ng mga kaanib na Iglesia Katolika sa bansang America. Ipagpatuloy ang pagbabasa rito...

Linggo, Nobyembre 20, 2011

Iglesia sa Hanoi Vietnam nagprotesta laban sa panunupil ng komunistang gobyerno!

Ayon sa Asia News, libu-libong mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Hanoi, Vietnam ang nagprotesta sa lansangan. Hiling nila ang hustisya sa Parokya ng Thai Ha at sa kalapit na Monasteryo ng mga Redemptorist Missionaries na balak baklasin upang mabigyang-daan ang isang proyekto ng gobyerno. Ang nasabing projekto ay naglalayong hukayin upang malagyan ng sewage treatment mula sa kalapit ding ospital.

Kung inyong natatandaan ang sigalot na ito ay nagmula pa noong taong 2008 at 2009 nang hatulan ng korte ang mga walo sa mga nagprotesta ng pagkabilanggo sa salang "Panggugulo" raw sa mapayapang pamumuhay ng mga tao roon.

Unang-una sa mga pinatawag ng korte ng nasabing bansang Komunista ay si Fr. Joseph Nguyen va Phuong. Pinatawag siya hindi upang ipagtanggol ang kaniyang parokya ngunit upang ipaalam sa kaniya ang desisyon ng korte.

Maliban kay Fr. Joseph, maraming mga Katoliko ang matapang na humarap sa mga pulis upang ipakita sa buong mundo na ang mga kaanib ng Iglesia ay handang maging martir alang-alang sa kanilang pananampalatayang Kristiano.

Ang Iglesia ni Cristo sa Vietnam ang isa sa mga Iglesia sa mga Komunistang bansa ang may pinakamaraming "human violations". Marami sa mga kaanib ng Santa Iglesia ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang pananampalatayang Katoliko laban sa mapanupil na adhikain ng Komunista. Ngunit ang bansang Tsina pa rin ang may pinakamalubha sa lahat ng mga bansang Komunista laban sa Iglesia ni Cristo. Ituloy ang pagbabasa rito...

Africae Munus Nilagdaan na ng Santo Papa Benito XVI

Cotonou, Benin, Africa - Purihin ang Dios! Purihin si Cristo! Kahapon, ika-19 ng Nobyembre 2011, nilagdaan ng Santo Papa Benito XVI ang Apostolic Exortation na “Africae Munus,” isang dokumentong naglalayon ng pagpapalaganap ng Katolismo sa kontinente ng Africa.

Ang Benin ang isa sa mga bansa sa Africa na may malusog na paglago ng bilang ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo.

Ani ng Santo Papa sa kaniyang pagbisita sa seremonya ng paglalagda ng nasabing Apostolic Exhortation: “Africa, land of a New Pentecost, put your trust in God! Impelled by the Spirit of the Risen Christ, become God's great family, generous with all your sons and daughters, agents of reconciliation, peace and justice!” Naganap ang paglalagda sa Baslica ng Imaculada Concepcion sa bansang Benin.

Sabi pa ng Santo Papa: “(A) Church reconciled within herself and among all her members can become a prophetic sign of reconciliation in society within each country and the continent as a whole.”

“Peace is one of our greatest treasures, we need to have courage and the reconciliation born of forgiveness, the will once more to live as one, to share a vision of the future and to persevere in overcoming difficulties.”

Bilang pangwakas, mariing sinabi ng Santo Papa na ang Africa ay isang Mabuting Balita sa buong Iglesia ni Cristo at Mabuting Balita sa buong mundo.

Mabuhay si Cristo Hari ng Iglesia!

Ngayong araw ng Linggo ipinagdiriwang ng Banal na Iglesia ni Cristo ang Kapistahan ng Kristong Hari. Ang kapistahang ito ang hudyat ng huling linggo ng buong taon ng Liturhiya ng Santa Iglesia.

Bagamat ipinagdiriwang din ito ng mga Protestante, ito ay ginawang institusyon ng lingkod ng Dios na si Papa Pius XI noong taong 1925 A.D. sa kaniyang encyclical na pinamagatang Quas Primas.

Kung sa pangkaraniwang Kalendaryo, ito ang huling linggot ng taon at sa susunod ng Linggo ay Unang Linggo ng Adbiento-- ang Adbiento ay Apat na Linggong paghahanda bago ang dakilang araw ng Pasko ng Pagsilang niHesus.

Ano ang iminumungkahi ng Araw ng Kapistahan ng Kristong Hari?

Ayon sa Liturgical Calendar ng Iglesia ni Cristo, ang lahat ng pagdiriwang at kapistahang ating ginanap sa buong isang taon ay si Cristo Hesus lamang ang tugatog at rurok nito. Si Cristo ang tanging dahilan ng ating mga pagdiriwang sapagkat siya lamang ang pinagmumulan ng kabanalan ng mga santo at santa ng Iglesia. Nais lamang ipagbunyi ng Santa Iglesia na sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, tayo'y nagpapasakop sa paghahari ng Dios na si Cristo. Tayo ay nagpapasakop sa kanyang kabanalan at kabutihan. Tayo'y nagpapasakop sa kanyang kabunyian.

Lingid sa kaalaman ng mga hindi sumasampalataya sa mga paniniwala ng Iglesia ni Cristo, ang mga pagdiriwang ng mga kaanib nito sa mga kapistahan ng kanilang mga Patron ay si Cristo pa rin ang tanging dahilan. Ang mga banal at santo ng Iglesia ay nagbuwis ng buhay hindi para sa kanilang sariling kapakanan kundi si Cristo Hesus ang dahilan na totoong Dios at Tao ang Iglesia, at ng kaniyang nag-iisa, banal, pangkalahatan at apostolikang Iglesia.

Narito ang ating mga Pagbasa sa Banal na Biblia:


Unang Pagbasa: Ez 34:11-12, 15-17


Pangalawang Pagbasa: 1 Cor 15:20-26, 28

Ebanghelyo: Mt 25:31-46
Ito rin ang mga pagbasa sa lahat ng mga Iglesia ni Cristo sa buong mundo ano man ang wika at tradisyong kanilang kinaaaniban.

Mabuhay si Cristo Hesus, hari ng Iglesia ni Cristo!

Sabado, Nobyembre 19, 2011

'Yes" to Life

Isang malugod at masayang pagsalubong ang natanggap ng Santo Papa sa kanyang unang araw na pagbisita sa bansanga Benin.

Sa kanyang pagdating, sinalubong siya ng Presidenteng si Thomas Yayi Boni, isang Evangelical at pinasalamatan ang Santo Papa sa kanyang pagbisita.

Ang kanyang Kabanalan ay mananatili sa Benin hanggang sa araw ng Linggo matapos na pumirma sa “Postsynodal Exhortations” ng “Second Special Assembly for Africa ng Synod ng mga Obispo.

Ang Iglesia sa Benin ay isa sa mga bansa sa Africa na may pinakamataas na bilang ng mga kaanib.

Manatiling nakatutok sa mga ispesyal na kaganapan sa Benin Trip ng Santo Papa. Manood sa EWTN TV.

Magbasa pa Catholic Culture.

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

Panalangin para sa Benin Trip ng Santo Papa

Ngayong araw ng Biyernes, ika-28 ng Nobyembre 2011 nakatakdang dumalaw ang Santo Papa sa Western Africa sa bansang Benin.  Hinihiling ng Santo Papa sa lahat ng mga kaanib ng Pangkalahatang Iglesia ni Cristo na ipanalangin siya.

Vatican City, Nov 15, 2011 / 02:14 am (CNA).- Pope Benedict XVI will visit the West African country of Benin from Nov. 18 to 20 this week. He has asked for prayers for his upcoming trip and for “the people of the beloved African continent,” especially those who suffer insecurity and violence.

“May Our Lady of Africa accompany and support the efforts of all the people who work for reconciliation, justice and peace,” he told French-speaking pilgrims after the Angelus on Nov. 13... ituloy ang pagbabasa rito...

Pagbati mula sa Iglesia ni Cristo!

Salamat at purihin ang nag-iisang Dios sa pagkakaroon ng Internet.

Katulad ng sinabi ni Apostol Pablo sa mga Kristiano sa Roma, "ang lahat ng mga Iglesia ni Cristo ay bumabati" sa inyong lahat ng giliw na kaanib ng Iglesia ni Cristo!