Mga Pahina

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46

Martes, Disyembre 27, 2011

Papa Benito XVI ipinapanalangin ang Gitnang Silangan at ang mga biktima ng pagbaha sa Asia

Photo Credit:L'Osservatore Romano, Vatican Pool, Getty Images (Photo Source: The Denver Post)
Sa kanyang taunang mensahe ("Urbi et Orbi" Latin ng "mula sa lungsod at sa buong mundo") sa araw ng Pasko, si Papa Benito XVI ay nag-alay ng panalangin para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan, ang "Horn of Africa" para sa mga nasalanta ng matinding tagtuyot at kagutuman at ang mga biktima ng pagbaha sa Asia kabilang na ang Pilipinas.

"May the Lord come to the aid of our world torn by so many conflicts which even today stain the earth with blood," sabi ng Santo Papa habang nagsasalita sa harap ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa balcony ng St. Peter's Basilica, sa Vatican City ng ROMA.

Tanging ang Iglesia ni Cristo lamang ang isa sa mga masigasig na nananawagan sa kapayapaan, at siya rin ang nangunguna sa mga charity drive lalong lalo na ang "The Horn of Africa" kung saan milyon ang mga nagdurusa sa Africa dahil sa matinding kagutuman.

Ginagawa lamang ng Iglesia ni Cristo ang kanyang gampanin bilang Katawan ni Cristo sa pangunguna ng kanyang inihalal na kahalili ni San Pedro na siyang Unang Santo Papa ng Santa Iglesia ni Cristo.

Sa kanyang mahigit ng 2,000 taon ng pag-iral ang Iglesia ni Cristo ay patuloy na nangunguna sa larangan ng paggawa ng mabuti upang pag-isahin ang lahat sa pag-ibig at kapayapaan.

Sa ngayon ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ay umaabot na sa mahigit 1.1 Bilyon, halos 1/6 ng buong populasyon ng buong mundo.

Ituloy ang pagbabasa: Pope Benedict XVI prays for peace in Mideast and for Asia's flood victims - The Denver Post

Lunes, Disyembre 26, 2011

Iglesia ni Cristo sa Nigeria inatake ng bandidong Muslim sa araw ng Pasko

Isang karumal-dumal na pag-atake ang isinagawa ng mga bandidong Muslim sa bansang Nigera (Aftica) noong mismong araw ng Pasko ng Pagkasilang ni Hesus.

Ilang mga kalalakihan habang tinitingnan nila ang sasakyang ginamit ng mga bandidong Muslim sa pagsabog sa St. Theresa Catholic Church sa labas ng Nigerian capital ng Abuja noong araw ng Kapaskuhan. (Photo Source: Agence France-Presse/Getty Images)
Ayon sa mga ulat, ang pagpapasabog ay nangyari noong hatinggabi kung saan ang mga kaanib ng Iglesia ay nagsasagawa ng Banal na Misa sa isang Katedral sa siudad ng Jos.  Pinasabog ang isang sasakyang ginamit bilang "Suicide Bomb" sa nasabing simbahan ng banal na Iglesia.  Sa di kalayuan ang may mga alingawngaw ng mga putok ng baril na maririnig.  Pinapaniwalaan ng mga otoridad na ang nasabing Islamic Suicide Bombing ay isang "well coordinated" na gawaing pagpatay.

Ang naganap na pagpatay sa mga kaanib ng Iglesia sa Nigera ay kinondena ng mga lider ng buong mundo sa pangunguna ng Santo Papang si Benito XVI.

Ang Foreign Minister ng Britanya na si Secretary Willaim Hague ay nagsabing: "These are cowardly attacks on families gathered in peace and prayer to celebrate a day which symbolizes harmony and goodwill towards others."

Ang unang pag-atake ay naganap sa St. Theresa Catholic Church in Madalla, ganap na ika-8 ng umaga na agarang ikinamatay ng may 35 na katao at 52 na lubhang nasugatan. Sumunod ang simbahan sa Jos.

Sa kabuuan, 39 na katao ang namatay noong araw ng Pasko.

Ang mga umaako ng pagpapasabog ay mga Islamic terrorists na kilala sa pangalang "Boko Haram". Ipanalangin natin ang mga kaluluwa ng mga nasawi at ang mga pamilya ng mga nasugatan sa pangangalaga ng ating Dios.  Kay Santa Mariang ina ng Awa, ipanalangin natin sila sa Panginoon.  Sa mga bandidong mga Muslim na walang paggalang sa kabanalan ng buhay, atin silang ipagsanggalang sa Panginoon ng Awa.

Ituloy ang pagbabasa rito sa Online.Wsj.com

Western Civilization utang na loob sa Iglesia Katolika

Photo credit: Wikipedia
Bagamat marami-rami pa rin kumakaaway sa Iglesia ni Cristo na laganap sa buong daigdig, manapa'y marami rin naman ang nagpupuri sa Iglesia ng Dios bilang tagasulong ng pagkakaisa at kapayapaan sa buong mundo.

Ang sabi ni THOMAS E. WOODS, isang mamamahayag sa The Free Lance-Star:
"...the Catholic Church more than to any other institution that we owe so many of the treasures of Western civilization. Knowingly or not, scholars operated for two centuries under an Enlightenment prejudice that assumes all progress to come from religious skeptics, and that whatever the church touches is backward, superstitious, even barbaric."

Basahin ang kabuuan ng artikulo sa: KansasCity.com

Linggo, Disyembre 25, 2011

Linggo, Disyembre 18, 2011

Cuba: Mga bilanggo pinakawalan bilang paghahanda para sa pagbisita ng Santo Papa

Photo Source: Globalpost.com)
Havana, Cuba - Nagdesisyon ang gobyerno ng Cuba na pakawalan ang may 2,900 na bilanggo.  Ito ay ang naging pahayag ni Raul Castro, ang Pangulo ng Cuba bago pa man ang pagdalaw ng Santo Papang si Benito XVI.

Ang banal na Santo Papa ay nagpasyang dadalaw sa Cuba sa sunod na Spring sa taong 2012.  Karamihan sa mga pakakawalan na mga bilanggo ay mga matatanda, mga kababaihan at mga may karamdaman.

Ipagdasal natin sa Dios na sa pagdalaw ng Santo Papa sa  Cuba ay mas dadaloy ang biyaya sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan dahil sa ang Cuba ay isang bansang Komunista.

Ang Iglesia ni Cristo sa Cuba ay buong galak na naghahanda na sa pagdalaw ng Kahalili ni San Pedro, si Papa Benito XVI.

Ituloy ang pagbabasa rito..

Sabado, Disyembre 17, 2011

Iglesia ni Cristo sa Pilipinas nagdaos ng Unang Simbang Gabi

Ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas ay kilala sa buong mundo sa pagkakaroon ng may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ni Hesus. Ayon sa Wikipedia, ang Pilipinas lamang ang nagdiriwang na ng kapaskuhan mula 1 September hanggang sa Epiphany (unang Linggo ng Enero, sunod na taon).

Ngayong araw, ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ay naagang gumising at nagtungo sa mga Simbahan para sa "Simbang Gabi". Ito ay matatapos sa bisperas ng Pasko ng Pagsilang (Dec. 25) kung saan ang buong mundo ay nagdiriwang nito.

Biyernes, Disyembre 16, 2011

Bishop Luis Antonio Tagle, posibleng Papa ng Iglesia?

Luis Antonio Cardinal Tagle, bagong Arsobispo ng Maynila.
Malakas ang ugong-ugong at usap-usapan sa loob ng Iglesia ni Cristo sa buong mundo na ang bagong Arsobispo ng Archdiocese ng Maynila na si Arsobispo Luis Antonio Cardinal Tagle ay posibleng maging Santo Papa. Ito ay ayon kay John Allen Jr. ng CNN Vatican Analyst (basahin rito).

“The big news from the Philippines has been the October 13 appointment of Luis Antonio Tagle as the new Archbishop of Manila, putting him in line to become a cardinal the next time Benedict XVI hosts a consistory,” ang pagkasabi ni Ginoong Allen sa kanyang blog sa National Catholic Reporter (NCR) website.

Ano ba ang katangian ng isang kandidato sa pagka-Santo Papa?

Isa siyang mapagpakumbabang alagad ng Simbahan. Siya ay may totoong puso para sa mga maralita at may pagmamahal sa Ebanghelyo.

Ito ang ilan sa mga pagsasaksi ng mga ordinaryong mga kaanib ng Iglesia na kanyang pagiging pari at alagad ng Iglesia.

Para sa Iglesia ni Cristo sa Pilipinas, ito ay malaking pagpapala sa buong Iglesia sa Asia kung sakaling magiging Santo Papa ang kanyang kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ng Archdiocese ng Maynila.

Linggo, Disyembre 11, 2011

Malaking Pamamahayag ng Iglesia ni Cristo sa USA

Ang Iglesia ni Cristo sa America ay magkakaroon ng isang malawakang kampanya upang manawagan sa mga kaanib na nanlalamig.

Ang "Catholic Come Home" ni Tom Peterson ay kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ang Iglesia ng isang malawakang pagtawag sa mga Katolikong nanlalamig sa kanilang mahigit na 2,000 taong pananampalataya.

Nilalayon ng proyekto na aabot sa mahigit sa 250 milyon na mga viewers ang makakapanood nito sa Estados Unidos bagamat ang bilang ng mga kaanib ng Santa Iglesia ng Dios ay hindi lumalayo sa 24-25% sa kabila ng malawakang epekto ng "sexual abuse" ng iilang mga paring Katoliko sa USA at sa Europa.

Sa pangkalahatan, ang USA ay may 77.7% bilang na mga Katoliko. Nawa'y sa pamamagitan ng proyektong ito ay magbalik loob sa tunay na Iglesia ni Cristo ang mga dating kaanib at mga kaanib na nanlalamig sa ngayon.

Catholics Come Home: Coming home has never been easier. We are family. Welcome home.


Sabado, Disyembre 10, 2011

Sabi ni Papa Benito XVI: Dapat matakot sa kasalanan kaysa sa pag-uusig

Si Papa Benito XVI sa paggunita ng kapistahan ng Immaculada Concepcion (Larawan mula sa Italian Tribune)
Dapat ang Iglesia ay matakot sa kasalanang ginagawa ng kanyang mga kaanib higit pa sa takot ng pang-uusig.

Ito ang mga binitiwang mga salita ng Santo Papa kahapon sa paggunita sa kapistahan ng Imaculada Concepcion.

Ayon sa Santo Papa ang pag-uusig sa Iglesia ni Cristo mula pa noong Unang Siglo hanggang sa kasalukuyan ay pinagtagumpayan na ng Santa Iglesia sa mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas. Ang pagtatagumpay na ito ay isang pagtatagumpay ng Dios.


Sa kabila ng panawagan ng ilang mga Obispo ng Iglesia ni Cristo na dapat nang dalhin sa international forum ang usapin tungkol sa pag-uusig sa mga Kristiano, mariing sinabi ni Papa Benito XVI na mas nakakasira sa Iglesia ni Cristo ang mga kasalanang ginagawa ng mga kaanib nito.

"The only danger the church can and should fear is the sin of her members," ani Santo Papa Benito XVI.

Huwebes, Disyembre 8, 2011

Santo Papa sinindihan ang pinakamalaking Christmas Tree sa buong mundo

Kahapon sinindihan ng Santo Papa Benito XVI ang pinakamalaking Christmas Tree sa buong mundo ng hindi lumabas ng Apostolic Palace sa Vatican City. Ang Christmas Tree ay nasa Bubbio sa Italia. 

Ang pagsisindi ay nangyari sa pamamagitan ng kanyang Tab.  Ito ay isa sa mga makabagong teknolohiyang nagbibigay ng remote access sa Santo Papa sa pakikipagdialogo sa iba't ibang mga tao sa pamamagitan ng internet gamit ang kanyang Tab upang ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon. Ipagpatuloy ang pababasa rito...

Pagbabalik-loob sa Iglesia ni Cristo

Hindi naging balakid sa mga kaanib ng Iglesia ni Hesu-Kristo ang mga nakaraang mga "Church scandals" na yumanig sa mga pananampalataya ng maraming kaanib sa loob ng mahigit na isang dekada. 

Sa katunayan, maraming mga dating kaanib ang ngayo'y bumabalik muli sa Kawan ni Cristo, ang Iglesia. 

Mababasa rito ang mga dating mga tumiwalag sa pagka-Katoliko na ngayo'y nagbabalik-loob nang muli sa Kanyang tunay na Iglesia-- ang Iglesia Katolika na siya mismong itinatag ni Cristo Hesus. Upang makapagbasa pa ng ibang mga kwento ng mga nagbalik-loob at mga iba pang mga umanib sa Iglesia, i-click ang inyong mouse sa Why I'm Catholic.

Miyerkules, Disyembre 7, 2011

Vatican: Nagmungkahing dalhin sa international forum ang "Christian Persecution"

Ang Centro ng ka-Kristianuhan sa Vatican ay nagmungkahing magtalaga ng isang araw sa buong mundo upang alalahanin lahat ng mga Kristianong nagdaranas ng pagdurusa sa kanilang mga sari-sariling bansa dahil sa kanilang pagiging Kristiano. 

Mula sa mga iba't-ibang mga "Christian confessions" nangunguna ang Iglesia ni Cristo-- ang Iglesia Katolika sa mga listahan ng mga inuusig ng marami. Ang pag-uusig ay nagmumula sa mga di-Kristiano sa mga bansang pinamumunuan ng mga Muslim at iba pang mga relihiyon. Ang pag-uusig ay nagmumula rin sa mga di-Katoliko (ang mga Protestante). 

Ayon sa Persecution Blog, ang mga Kristiano sa Middle East ang nangunguna sa mga inuusig. At sila'y mga Katoliko, Coptics, Maronites, Syro-Malabar sa Egypt, Syria, Lebanon, Jorda, Iraq, Iran, Afghanistan, Saudi Arabia etc. Ang balitang ito maaaring basahin ng buo sa Catholic Culture.

Huwebes, Disyembre 1, 2011

Para sa pagpapari iiwanan ang Soccer


Si Hilgenbrinck ay isa sa mga maraming mga kabataang iniiwanan ang kanilang mga mararangyang buhay para sa pagpapari.

Santo Papa ng Iglesia ni Cristo muling nanawagan laban sa "Death Penalty"

Weekly Audience ng Santo Papa sa Vatican (Pinanggalingan ng Larawan ay 2camels)
Sa kanyang lingguhang pagtanggap ng panauhin sa Vaticn Square, nanawagan muli ang Santo Papa ng Iglesia ni Cristo sa lahat ng mga political leaders na buwagin na ang pagpapataw ng "Death Penalty" sa kani-kanilang mga bansa. Ayon sa Santo Papa, walang makakamit na katarungan sa kamatayan.

Katulad ng yumaong pinagpalang si Juan Pablo II ang kamatayan ng isang tao sa pamamagitan ng "Death Penalty" ay hindi naaayon sa batas ng Pag-ibig na siyang kabuuan ng Dios.

Ang yumaong si Juan Pablo II ay isa sa mga pinakadakilang pinuno na minahal ng lahat ng tao sa 21st Century. Ang katuruan ng Santa Iglesia ay nakikita sa CCC 2267 dahil ito'y labag sa dignidad ng isang tao.

Ituloy ang pagbabasa rito...

Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

Iglesia sa Tsina: Bagong Obispo inordenahan

Iglesia ni Cristo sa Yibin, China (St. Mary's Church - UCANews)
Nagsasaya at nagpupuri ngayon ang Iglesia ni Cristo sa bansang komunista sa Tsina sa ordinasyon ng bagong Obispong si Father Peter Luo Xuegang. Si Father Peter Luo Xuegang ay magsisilbi sa Diosises ng Yibin sa South-Central China. Mahigit kumulang na 30,000 ang mga Katoliko roon at may 7 silang ma pari. Ang ordinasyon ni Fr. Peter Luo Xuegang ay sinang-ayunan ng Vatican at ng bansang Tsina. Ituloy ang pagbabasa rito...

Linggo, Nobyembre 27, 2011

Tulong ng Iglesia ni Cristo (USA) sa ibang iglesia.

Isang malaking halaga ng salapi ang ibinigay ng Iglesia ni Cristo sa USA sa pamamagitan ng United States Conference of Catholic Bishops ayon sa Catholic Culture. Sa kabuuan nagbigay ng $7 milyon ang Iglesia sa Iglesia sa Latin America, $2.3 milyon sa Iglesia sa Africa noong taong 2011. Ang malaking halaga ng donasyon ay ibinahagi ng USCCB sa Iglesia sa Latin America at sa Caribbean (CELAM). Ang halagang nalikom ay taos pusong ibinahagi ng mga kaanib na Iglesia Katolika sa bansang America. Ipagpatuloy ang pagbabasa rito...

Linggo, Nobyembre 20, 2011

Iglesia sa Hanoi Vietnam nagprotesta laban sa panunupil ng komunistang gobyerno!

Ayon sa Asia News, libu-libong mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Hanoi, Vietnam ang nagprotesta sa lansangan. Hiling nila ang hustisya sa Parokya ng Thai Ha at sa kalapit na Monasteryo ng mga Redemptorist Missionaries na balak baklasin upang mabigyang-daan ang isang proyekto ng gobyerno. Ang nasabing projekto ay naglalayong hukayin upang malagyan ng sewage treatment mula sa kalapit ding ospital.

Kung inyong natatandaan ang sigalot na ito ay nagmula pa noong taong 2008 at 2009 nang hatulan ng korte ang mga walo sa mga nagprotesta ng pagkabilanggo sa salang "Panggugulo" raw sa mapayapang pamumuhay ng mga tao roon.

Unang-una sa mga pinatawag ng korte ng nasabing bansang Komunista ay si Fr. Joseph Nguyen va Phuong. Pinatawag siya hindi upang ipagtanggol ang kaniyang parokya ngunit upang ipaalam sa kaniya ang desisyon ng korte.

Maliban kay Fr. Joseph, maraming mga Katoliko ang matapang na humarap sa mga pulis upang ipakita sa buong mundo na ang mga kaanib ng Iglesia ay handang maging martir alang-alang sa kanilang pananampalatayang Kristiano.

Ang Iglesia ni Cristo sa Vietnam ang isa sa mga Iglesia sa mga Komunistang bansa ang may pinakamaraming "human violations". Marami sa mga kaanib ng Santa Iglesia ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang pananampalatayang Katoliko laban sa mapanupil na adhikain ng Komunista. Ngunit ang bansang Tsina pa rin ang may pinakamalubha sa lahat ng mga bansang Komunista laban sa Iglesia ni Cristo. Ituloy ang pagbabasa rito...

Africae Munus Nilagdaan na ng Santo Papa Benito XVI

Cotonou, Benin, Africa - Purihin ang Dios! Purihin si Cristo! Kahapon, ika-19 ng Nobyembre 2011, nilagdaan ng Santo Papa Benito XVI ang Apostolic Exortation na “Africae Munus,” isang dokumentong naglalayon ng pagpapalaganap ng Katolismo sa kontinente ng Africa.

Ang Benin ang isa sa mga bansa sa Africa na may malusog na paglago ng bilang ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo.

Ani ng Santo Papa sa kaniyang pagbisita sa seremonya ng paglalagda ng nasabing Apostolic Exhortation: “Africa, land of a New Pentecost, put your trust in God! Impelled by the Spirit of the Risen Christ, become God's great family, generous with all your sons and daughters, agents of reconciliation, peace and justice!” Naganap ang paglalagda sa Baslica ng Imaculada Concepcion sa bansang Benin.

Sabi pa ng Santo Papa: “(A) Church reconciled within herself and among all her members can become a prophetic sign of reconciliation in society within each country and the continent as a whole.”

“Peace is one of our greatest treasures, we need to have courage and the reconciliation born of forgiveness, the will once more to live as one, to share a vision of the future and to persevere in overcoming difficulties.”

Bilang pangwakas, mariing sinabi ng Santo Papa na ang Africa ay isang Mabuting Balita sa buong Iglesia ni Cristo at Mabuting Balita sa buong mundo.

Mabuhay si Cristo Hari ng Iglesia!

Ngayong araw ng Linggo ipinagdiriwang ng Banal na Iglesia ni Cristo ang Kapistahan ng Kristong Hari. Ang kapistahang ito ang hudyat ng huling linggo ng buong taon ng Liturhiya ng Santa Iglesia.

Bagamat ipinagdiriwang din ito ng mga Protestante, ito ay ginawang institusyon ng lingkod ng Dios na si Papa Pius XI noong taong 1925 A.D. sa kaniyang encyclical na pinamagatang Quas Primas.

Kung sa pangkaraniwang Kalendaryo, ito ang huling linggot ng taon at sa susunod ng Linggo ay Unang Linggo ng Adbiento-- ang Adbiento ay Apat na Linggong paghahanda bago ang dakilang araw ng Pasko ng Pagsilang niHesus.

Ano ang iminumungkahi ng Araw ng Kapistahan ng Kristong Hari?

Ayon sa Liturgical Calendar ng Iglesia ni Cristo, ang lahat ng pagdiriwang at kapistahang ating ginanap sa buong isang taon ay si Cristo Hesus lamang ang tugatog at rurok nito. Si Cristo ang tanging dahilan ng ating mga pagdiriwang sapagkat siya lamang ang pinagmumulan ng kabanalan ng mga santo at santa ng Iglesia. Nais lamang ipagbunyi ng Santa Iglesia na sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, tayo'y nagpapasakop sa paghahari ng Dios na si Cristo. Tayo ay nagpapasakop sa kanyang kabanalan at kabutihan. Tayo'y nagpapasakop sa kanyang kabunyian.

Lingid sa kaalaman ng mga hindi sumasampalataya sa mga paniniwala ng Iglesia ni Cristo, ang mga pagdiriwang ng mga kaanib nito sa mga kapistahan ng kanilang mga Patron ay si Cristo pa rin ang tanging dahilan. Ang mga banal at santo ng Iglesia ay nagbuwis ng buhay hindi para sa kanilang sariling kapakanan kundi si Cristo Hesus ang dahilan na totoong Dios at Tao ang Iglesia, at ng kaniyang nag-iisa, banal, pangkalahatan at apostolikang Iglesia.

Narito ang ating mga Pagbasa sa Banal na Biblia:


Unang Pagbasa: Ez 34:11-12, 15-17


Pangalawang Pagbasa: 1 Cor 15:20-26, 28

Ebanghelyo: Mt 25:31-46
Ito rin ang mga pagbasa sa lahat ng mga Iglesia ni Cristo sa buong mundo ano man ang wika at tradisyong kanilang kinaaaniban.

Mabuhay si Cristo Hesus, hari ng Iglesia ni Cristo!

Sabado, Nobyembre 19, 2011

'Yes" to Life

Isang malugod at masayang pagsalubong ang natanggap ng Santo Papa sa kanyang unang araw na pagbisita sa bansanga Benin.

Sa kanyang pagdating, sinalubong siya ng Presidenteng si Thomas Yayi Boni, isang Evangelical at pinasalamatan ang Santo Papa sa kanyang pagbisita.

Ang kanyang Kabanalan ay mananatili sa Benin hanggang sa araw ng Linggo matapos na pumirma sa “Postsynodal Exhortations” ng “Second Special Assembly for Africa ng Synod ng mga Obispo.

Ang Iglesia sa Benin ay isa sa mga bansa sa Africa na may pinakamataas na bilang ng mga kaanib.

Manatiling nakatutok sa mga ispesyal na kaganapan sa Benin Trip ng Santo Papa. Manood sa EWTN TV.

Magbasa pa Catholic Culture.

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

Panalangin para sa Benin Trip ng Santo Papa

Ngayong araw ng Biyernes, ika-28 ng Nobyembre 2011 nakatakdang dumalaw ang Santo Papa sa Western Africa sa bansang Benin.  Hinihiling ng Santo Papa sa lahat ng mga kaanib ng Pangkalahatang Iglesia ni Cristo na ipanalangin siya.

Vatican City, Nov 15, 2011 / 02:14 am (CNA).- Pope Benedict XVI will visit the West African country of Benin from Nov. 18 to 20 this week. He has asked for prayers for his upcoming trip and for “the people of the beloved African continent,” especially those who suffer insecurity and violence.

“May Our Lady of Africa accompany and support the efforts of all the people who work for reconciliation, justice and peace,” he told French-speaking pilgrims after the Angelus on Nov. 13... ituloy ang pagbabasa rito...

Pagbati mula sa Iglesia ni Cristo!

Salamat at purihin ang nag-iisang Dios sa pagkakaroon ng Internet.

Katulad ng sinabi ni Apostol Pablo sa mga Kristiano sa Roma, "ang lahat ng mga Iglesia ni Cristo ay bumabati" sa inyong lahat ng giliw na kaanib ng Iglesia ni Cristo!